-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang opisyal ng bayan sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang biktima na si Mubarac “Moby”Abubakar,Municipal Councilor ng Datu Montawal Maguindanao Del Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ang biktima ng kanyang kulay pulang Mitsubishi Pick up Strada sa bahagi ng Sitio Kurungan Barangay Pagagawan Datu Montawal Maguindanao at kababa lamang sa sasakyan.

Nakipag-usap pa si Abubakar sa isang vendor sa gilid ng national highway ng biglang dumating ang dalawang hindi kilalang suspek at itoy pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Agad na dinala ang biktima sa Deseret Hospital sa bayan ng Kabacan Cotabato ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa ulo.

Si konsehal Abubakar ay First Councilor ng Datu Montawal Maguindanao Del Sur at sya rin ang Chairman ng Committee on Peace and Order ng bayan.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya ng konsehal na binaril patay ng posibling ka-alitan nya o rido.

Kinondena at pinag-utos ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal sa pulisya ang malalimang imbestigasyon sa pamamaril patay kay Councilor Abubakar.