CENTRAL MINDANAO-Mismong si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr ang nanguna sa pagpapalakas ng puwersa ng Municipal Frontliners Defenders ng bayan laban sa covid-19.
Aniya, bagamat hindi ganoon kataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa bayan, mainam paring maging maingat lalo pa’t andyan lamang ang banta ng naturang sakit.
Kung kaya, ang pagpapalakas ng nasabing grupo ay isang hakbang upang mas palakasin pa ang laban ng bayan.
Kasama ang mga frontliners na kinabibilangan ng mga Brgy. Officials, BPAT, Health Workers, nanumpa ang grupo na kanilang gagawin ang lahat sa tama at totoong impormasyon ang kanilang gagamiting susi sa pagpuksa sa covid-19.
Nagpasalamat din ang alkalde sa tulong ng mga nasabing grupo sa pakikipaglaban sa covid-19. Aniya, simple lang ang hiling nito sa mga MFDs at iyon ay maging modelo sa pagsunod ng mga ipinapairal na utos tulad ng paggamit ng tama sa face mask, face shield, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.
Samantala, siniguro ni Association of Brgy. Captain President Evangeline Pascua-Guzman na kanilang gagawin ang kanilang makakaya upang mabantayan ang kanilang mga lugar sa usapin ng covid-19.
Nakatakda namang mamahagi ng synchronize ID ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa mga miyembro ng MFD.