-- Advertisements --
La Union
“Surfing Capital of the Ph” (journeyph photo)

LA UNION – Ipagbabawal ng mga otoridad sa mga audience ang pagpapalipad ng unmaned aerial vehicle (UAV) o drone sa mismong venue habang nagaganap ang surfing competition ng South East Asian Games sa bayan ng San Juan, La Union.

Ayon kay Major Bernabe Oribellio, hepe ng San Juan Police, isang executive order ang inilabas ni San Juan Municipal Mayor Arturo Valdriz na nakalahad na hindi papayagan ang mga manunuod na paliparin ang kanilang drone sa kasagsagan ng paligsahan upang kumuha ng aerial shots sa surfing area.

Ito ay upang maiwasang maisturbo ang mga mannalalaro at maiwasan din na magamit ang naturang gudget sa paghasik ng kaguluhan o pananabotahe sa event.

Ang mga kawani lamang ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ang papayagang gumamit ng drone para sa kanilang documentation.

Ipinaliwanag ni Oribello na layunin ng nasabing kautusan ng alkalde na pamanatili ang kaayusan at maprotektahan ang mga tutungo sa surfing capital of the north.