-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ini-lockdown ang municipal hall sa bayan ng San Joaquin, Iloilo matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang halos 20 mga empleyado.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Leo Satana, municipal administrator ng nasabing bayan, sinabi nito na unang nagpositibo ang apat na mga empleyado sa municiap hall at 70 ang kanilang mga close contacts.
Sa nasabing bilang, 14 pa ang lumabas na positibo sa COVID-19.
Ayon kay Satana, tatagal hanggang sa Agosto 31 ang lockdown sa munisipyo.
Naka-work from home arrangement naman ang ilang mga empleyado.
Siyam naman ang mga barangay sa San Jaoquin ang isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa Setyembre 9 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.