-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpulong ang ilang miyembro ng Municipal Inter-Agency Task-Force ng Kabacan, Cotabato upang alamin kung kamusta ang lagay ng bayan sa COVID-19.

Ibinalita ni Incident Commander on COVID-19 at MHO Dr. Sofronio Edu, Jr. na nakahanda ang bayan sa mga pangyayaring tulad ng pagtaas nanaman ng bilang ng positibong kaso.

Siniguro rin nito na laging alerto ang MHO sa mga ganitong insidente.

Inaasahan naman na baka matatagalan pa ang pagdating ng ikalawang batch ng AstraZeneca batay na rin sa mga pangyayari sa NCR.

Samantala, kanilang mga pinag-usapan ang mga request ng churches at ilang academe na ayon sa IATF ay muling magpupulong ang grupo sa darating na araw para mapagplanohan ito ng husto.

Panawagan muli ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa taumbayan na sundin ang health protocols kontra COVID.