CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa-kustodiya na sa pulisya ang gubernatorial candidate ng Bukidnon na si Pangantucan Mayor Miguel Silva na higit dalawang buwan na ipinapahanap ng korte.
Kaugnay ito sa akusasyon na ginahasa umano nito ang menor de edad na anak ng kanilang domestic worker sa lugar sa taong 2024.
Sa pagharap ni Bukidnon Police Provincial Office Director Col. Jovit Culaway na ang pagka-aresto kay Silva ay batay rin sa kautusan ni Malaybalay City Regional Trial Court Branch 9 Presiding Judge Maria Theresa Camanong dahil sa 2-counts ng sexual assault at statutory rape habang nagtatago io sa Compostela,Davao de Oro.
Sinabi ni Culaway na natunton nila ang lokasyon ni Silva dahil na rin sa pinag-isang kilos ng iba’t-ibang law enforcement agencies ng Bukidnon at Davao region.
Bagamat,walang naitala na arrest assistance nang maabutan ng mga otoridad ang nasabing alkalde sa kanyang safehouse kagabi.
Una nang iginiit ni Silva na politika ang pangunahing motibo kung bakit ito nagkaroon ng mga kasong kriminal.
Si Silva ay isa sa dalawang alkalde sa Bukidnon na tumakbo bilang gobernador laban kay incumbent Provincial Gov. Rogelio Roque sa May 12 elections.