-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Naka-lockdown ngayon ang Midsayap Municipal Police Station (MPS) sa Midsayap, Cotabato.

Limang mga pulis kasi sa bayan ng Midsayap ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Bawal muna ang dalaw sa mga preso at kung maghahatid ng pagkain ay iiwan lamang sa lamesa sa labas ng himpilan at may maghahatid na health workers.

Posibleng nahawa raw sa COVID-19 ang limang pulis dahil sa kanilang trabaho sa mga border checkpoint at pagroronda sa mga matataong lugar.

Minomonitor rin ang isang barangay kapitan sa bayan ng Midsayap na nakasalamuha ng isang pulis na nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Binalaan na sicChairman na mag-quarantine at sasailalim sa antigen test ngunit namasyal pa raw ito at naglibot sa barangay.

Kung mapapatunayan na nilabag ni kapitan ang health protocols ay posibleng matanggal ito sa pwesto at mahaharap sa kasong administratibo.