-- Advertisements --
Kuit 3
Kulit car

CENTRAL MINDANAO- Away sa politika ang natatanaw ng mga otoridad sa pananambang sa mag-asawa sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Jocie Kuit , Municipal Treasurer ng Ampatuan Maguindanao at mister nya na si Engr Jeric Kuit.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang lulan ang mga biktima sa isang SUV Montero Sports na may plakang CAM-4811 mula sa Cotabato City at pabalik na sana sa bayan ng Ampatuan.

Ngunit pagsapit ng mag-asawa sa Brgy Bagan Guindulungan Maguindanao ay bigla silang pinagbabaril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Nahulog sa gilid ng kalsada ang sinakyan ng mga biktima at mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Ang mga sugatan ay agad dinala ng mga nagrespondeng pulis at sundalo sa Maguindanao Provincial Hospital at nasa maselang kondisyon.

Kinumpirma naman ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu na mga campaign leader nya ang mag-asawa sa nakalipas na eleksyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pananambang sa mga biktima.