BUTUAN CITY- Isinailalim na sa Blue Alert Status ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang munisipalidad ng Tubajon sa lalawigan ng Dinagat Islands, sanhi ito ng bagyong Bising na posibleng makaapekto sa lugar.
Nag-coordinate na din ang mga national line agencies tulad ng pulisya at BFP pati na rin ang mga community volunteers para sa posibleng gawing aksyon.
Patuloy din na ipapatupad ng munisipalidad ang pagbabawal sa mga paglalayag na barko.
Habang ang lahat ng Barangay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o BDRRMC ay pinayuhan na magsagawa ng pre-emptive evacuation ng mga residente na naninirahan sa mga high risk na lugar na madaling pagbahain, landslides at at storm surge kung kinakailangan.
Pinabatid din sa lahat ng mga residente ng Tubajon na gumawa ng naaangkop na mga hakbang sa pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng mga miyembro ng kanilang pamilya pati na rin ang pag-obserba sa mga health protocols ng lahat ng mga barangay.