-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Pansamantalang isinara sa publiko sa loob ng isang linggo ang munisipyo ng bayan ng Tboli, South Cotabato matapos na may magpositibo na mga empleyado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ni Mayor Dibu Tuan sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Mayor Tuan, ito ay upang mabigyang-daan ang contract tracing sa mga empleyado matapos na maitala ang siyam na aktibong kaso ng COVID-19 at maisagawa na rin ang disinfection.
Maliban dito, tatlong barangay pa sa nasabing bayan ang isinailalim sa granular lockdown dahil sa patuloy na pagtaas nga kaso ng COVID-19.
Ito ay kinabibilangan ng Barangay Poblacion, Edwards at Kematu kung saan nasa higit dalawang daang mga pamilya ang apektado.