Ginisa ng Muntinlupa City council ang ilang opisyal ng Maynilad Water Service dahil sa mga nagaganap na water interruptions sa kanilang lugar.
Pinangunahan ng Committee on Environment sa pamumuno ni Councilor Marissa Rongavilla ang pagdinig at dumalo rin si Vice Mayor Artemio Simundac ilang mga konsehal, mga representatives ng Maynilad at apektadong mga residente.
Kasama ring dumalo sa pagdinig si Chief Regulator Patrick Lester Ty ang namumuno sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO).
Nais tiyakin ng MWSS na nasusunod ang mga provisions sa concession agreement sa pagitan ng MWSS at Maynilad.
Nagbunsod ang pag-iimbestiga ng city council ng Muntinlupa dahil mula pa noong Disyembre ay nakaranas ng pagkawala ng suplay ng tubig ang mga residente.
Sa naging pahayag naman ng Maynilad ay nagkaroon ng algal bloom at turbidity ng raw water sa Laguna Lake na naapektuhan ang produksyon sa dalawang Putatan Water Treatment Plans sa lungsod.
Magtatagal aniya ang water supply interruptions ng hanggang Pebrero 15.
Umaabot sa 17 oras kada araw ang nawawalan ng suplay ng tubig.
Tiniyak naman ng MWSS na sa mga susunod araw ay kanilang ilalabas ang nasabing imbestigasyon.