Sisimulan na sa buwan ng Enero ng Muntinlupa government ang paggamit ng mandatory contact tracing sa pamamagitan ng quick response o QR codes.
Ito ay matapos na aprubahan ni Mayor Jaime Fresnedi ang Ordinansa sa paggamit ng Staysafe.ph na isang automated contact tracing applications sa mga commercial establishments, workplaces, simbahan, government offices at ibang mga pampublikong lugar.
Lahat aniya ng mga bisita at mga residente ng lugar ay nirerequire na mag-download ng app at irehistro ang QR codes.
Ang mga QR codes para sa mga non-smartphone users ay ipapakalat na ng barangays sa kanilang mga mamamayan.
Paliwanag pa ni Fresnedi kaya nila kinuha ang Staysafe.PH app para malimitihan aniya ang trasnmission ng virus.
Lahat aniya ng lalabag ay pagmumultahin mula P2,000 sa unang paglabag, P3,000 sa pangalawang paglabag at P5,000 sa ikatlong paglabag.