-- Advertisements --

Hinikayat ng Muntinlupa City LGU ang mga residente na mas doblehin ang kanilang pag-iingat lalo na at nagtala ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Ayons sa Muntinlupa City public Information Office na tumaas mula 5 hanggang 20 ang kaso sa loob lamang ng anim na araw.

Mayroong dalawang infections ang naitatala sa kada araw.

Pinaaalalahanan din si Muntinlupa City Health Office chief Dr. Juancho Bunyi ang mga residente ng lungsod na sundin ang mga ipinapatupad na health protocols gaya ng tama ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at ang pagpapatupad ng social distancing.