Pinapahigpitan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang pagbabantay sa mga bentahan ng paputok, kasama na ang paggamit sa mga ito sa kasagsagan ng selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Ito ay kasunod ng inilabas na City Ordinance No. 14 – 092, na nagbabawal sa pagbebenta, pag-display, distribusyon, paggawa, pag-aari ay paggamit ng mga paputok.
Ang sinumang mapapatunayang gagawa sa mga ito ay mapapatawan ng penalty na P5,000.
Ang mga shop o mga tindahang magbebenta nito ay kakanselahin ang kanilang permit o kung hindi man ay tatanggalin ito.
Ipinagbabawal na rin ng LGU ang paggamit ng mga open pipe at muffler sa mga motorsiklo na maaaring gamitin bilang alternatibong magbibigay ng ingay.
Ang sinumang lalabag dito ay papatawan ng multang P2,500 to P7,500.
Sa halip na paputok, pinapayagan ng LGU na magsagawa na lamang ng mga community works display ngunit kailangang makakuha ng permiso mula sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.
Maalalang una nang sinabi ni Department of Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr na sinusuportahan nito ang inisyatiba ng mga LGU na firecracker ban para maiwasan ang mga injury o anumang banta sa kalusugan ng publiko ngayong holiday season.