-- Advertisements --
Nagpasa ang City Council ng Muntinlupa ng ordinansa na nagpaparusa sa mga nagtatangka na iligal na magpabakuna ng boster shot.
Target ng ordinansa ang mga tao na sinasadya at hindi nagsasabi ng totoo tungkol sa pagpapabakuna.
Magmumulta ng P5,000 at pagkakulong mula anim hangang siyam na buwan.
Nauna ng nagbabala Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos ang makukulong ang sinumang magpapabakuna ng ikatlong beses ng walang abiso mula sa mga doctor.
Sa ngayon ay hindi pa ipinapayo ng Department of Health ang pagkakaroon ng booster shots dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna sa bansa.