Pinayagan ngayon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang hirit ni Sen. Leila de Lima na makaboto sa darating na May 13 elections.
Sa dalawang pahinang desisyon ng Muntinlupa RTC Branch 205, ipinag-utos ng korte dumalo sa Detainee Voting System ang senadora dakong alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-2:00 ng hapon sa Mayo 13.
Kailangan pa rin namang escorted ito ng PNP at ang senadora ang bahala sa gastos transportation mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City sa kanyang polling precinct as Santa Rita School sa Paranaque City.
Mahigpit din ang utos ng korte kay De Lima na pagboto lamang dapat ang gagawin ng senador at umiwas sa mga interview bago at pagkatapos niyang bumoto.
Una rito, naghain ng motion for furlough para hilinging makaboto sa 2019 midterm elections.