Nagpaliwanag ang Muntinlupa City Government sa paggiba nila sa pader na itinayo ng Bureau of Corrections (BuCor) na matatagpuan sa Katarungan Village.
Ayon kay Mayor Jimmy Fresnedi na ang nasabing pader ay naghaharang sa mga daanan ng mga residente doon.
Dagdag pa ng alkalde na walang anumang permit at koordinasyon ang kinuha ng BuCor sa LGU at Barangay Poblacion ganun din ang pakikipagpulong sa mga residente bago itayo ang pader.
Ang nasabing pader aniya ay haharang sa mga residente at mag-aaral at mga guro na pumapasok Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa at Muntinlupa National High School.
Kinausap na rin nito ang namamahala sa BuCor kasama sina Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon at mga opisyal ng city hall.
Maging ang Department of Justice (DOJ) ay inatasan na rin ang BuCor na itigil ang nasabing pagtatayo ng pader.