Sinalakay ng Muntinlupa Police ang bahay ng isang tricycle driver na nakuhanan ng mga hindi lisensyadong baril at bala.
Isinagawa ang raid noong Enero 29 sa Everlasting Circle sa Barangay Putatan ng mga miyembro ng Muntinlupa Police’s Station Intelligence Section, Putatan Substation, Station Investigation and Detection Management Section, at Special Weapons and Tactics (SWAT).
Target ng raid ang bahay ni alyas Casio, 55 anyos , tricycle driver, na umano’y dating sundalo.
Inilabas ni Executive Judge Myra Quiambao ng Muntinlupa Regional Trial Court ang search warrant noong Enero 25.
Sa raid, nasamsam ng mga pulis ang isang Sentry special CTG, .38 caliber revolver na may anim na piraso ng live ammunition, isang Replica (Beretta 9mm) na may magazine, isang Amino .22 caliber revolver, isang improvised shotgun na may limang piraso ng live ammunition, isang .23 caliber rifle na may isang magazine at limang piraso ng live ammunition, at isang brown belt bag.
Si Casio ay inaresto ng mga pulis matapos ang operasyon
Ayon kay Southern Police District Director Brig. Gen. Mark Pespes , pinalalakas nila ang kanilang pagsisikap na mabawi ang mga hindi lisensyadong baril sa pamamagitan ng operasyon ng pulisya at pagpapatupad ng mga search warrant laban sa mga may-ari ng mga ilegal na baril.
Pinuri naman ni Pespes ang Muntinlupa Police dahil sa tagumpay ng operasyon .