-- Advertisements --

Inaprubahan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang agarang motion ng film director na si Darryl Yap na maglabas ng gag order.

Nitong Lunes, Enero 13, 2025 ng maglabas ang nasabing korte ng gag order na nag-aatas sa kampo ng actor na si Vic Sotto at Yap na hindi dapat talakayin sa publiko ang mga nilalaman ng kaso.

Sinabi ng abogado ni Yap na si Atty. Raymond Fortun na kaya sila naghain ng motion ay para mapigilan ang kampo ni Sotto na maglabas ng iresponsableng pahayag laban sa pelikula na hindi na naipapalabas.

Magugunitang kinasuhan ni Sotto ng 19 counts ng cyber libel si Yap matapos na banggitin ang pangalan nito sa ipinalabas na teaser ng pelikulang “The Rapist of Pepsi Paloma”.