Kinumpirma ng kampo ni dating Senador Leila de Lima na pinaboran ng Muntinlupa RTC ang apela ng kampo ni De Lima para makapaghain ng demurrer of evidence sa kanyang huling drug case nito.
Ayon kay Atty. Bonifacio Tacardon, legal counsel ni De Lima, pinagbigyan ni Muntinlupa RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito ang mosyon ni De Lima sa pagdinig noong Lunes sa initial presentation ngdefense’s evidence sa kaso.
Kasunod aniya nito ay hiniling nila sa korte na bigyan sila ng sampung araw para pormal na makapaghain ng motion for leave to file demurrer to evidence na siya namang pinaburan.
Binigyan rin ang prosekusyon ng 15 days para mag komento sa naturang desisyon.
Ang demurrer ay mahalagang mosyon upang ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya laban sa akusado.
Kung maaalala, naghain na rin ang prosecution ng formal offer of evidence laban kay De Lima at kapwa akusado nito.
Inatasan rin ni noon Judge Gito ang state prosecutors na maghain ng 60 pieces of evidence laban sa dating senador.
Kabilang sa mga ebidensyang ito ay ang sworn statements, affidavits at iba pang dokumento na sumusuporta sa kanilang mga alegasyon na ang dating mambabatas ay sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong siya ay kalihim ng Department of Justice noong Aquino administration.
Pansamantalang nakalaya si De Lima matapos itong payagan na makapagpyansa noong Nobyembre 2023 matapos ang higit anim na taong pagkakaditene.
Naipanalo na rin ng dating senadora ang kanyang dalawang kaso at ngayon ay isang kaso na lamang ang dinidinig ng korte.