Matapos ngang koronahan bilang Miss Universe Philippines 2024 ang pambato ng Bulacan na si Chelsea Manalo, gumawa ito ng kasaysayan bilang kauna-unahang Black Pinay na kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe stage sa Mexico ngayong taon.
Pero sino nga ba si Chelsea Manalo bago ang kaniyang MUPH journey? Atin siyang kilalanin.
Isinilang ang half-American at half-Pinay na si Manalo sa Meycauayan, Bulacan noong Oktubre 14, 1999. Ang kaniyang biological father ay isang American national habang ang kaniyang ina na si Contessa Manalo ang mayroong dugong Pilipino.
Sa murang edad na 14 anyos, nagsimulang pasukin ni Chelsea ang mundo ng modelling habang ang kaniyang karera naman sa mundo ng pageantry ay nagsimula noong high school student pa lamang siya.
Ang kaniyang inspirasyon ay ang English model na si Naomi Campbell.
Sinubukan din ni Chelsea na maiuwi ang korona sa Miss World Philippines 2017 subalit nagtapos ito sa Top 15.
Naging adbokasiya naman ni Manalo ang mga kampaniya para sa youth empowerment at advocate din ito para sa mga katutubong Dumagat ng Norzagaray, Bulacan.
Samantala, ang maksaysayang pagkapanalo naman ni Chelsea Manalo bilang MUPH 2024 ay tinagurian ng ilang publications bilang dark horse win.
Sa ngayon, paghahandaan naman ni Chelsea ang susunod na pagsabak nito sa inaabangang Miss Universe 2024 na gaganapin sa Setyembre!