-- Advertisements --

Pinagpaplanuhan na ngayon ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ang pagkakaroon ng programang murang bigas sa iba’t-ibang mga supermarkets sa bansa.

Pinag-aaralan na kasi ang pagbibigay ng panibagong opsyon sa publiko na makabili ng mga bigas ng ‘rice-for-all’ bukod sa mga pampublikong pamilihan.

Bagkus, planong ilunsad ang naturang programa maging sa mga grocery stores upang makapamili din ang ilan pang mga konsyumer na naghahanap ng abot-kayang halaga na bigas.

Ayon mismo sa kasalukuyang kalihim ng Department of Trade and Industry na si Secretary Maria Cristina Roqur, sila’y nakikipag-usap na sa mga supermarkets hinggil rito.

Aniya, hinihintay na lamang nila ang mga feedbacks mula sa kanila nang sa gayon ay tuluyan ng mailatag ang plano sa programang murang bigas.

‘Actually we’re just waiting for feedback noh, from the groceries and supermarkets… but for us we are still trying to get feedback if they can really match the price also of the DA (Department of Agriculture), ani Secretary Cristina Roque ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dagdag pa niya, sila’y patuloy na nakikipag-tulungan sa Department of Agriculture hinggil rito kasabay ng pinaigting na monitoring sa mga presyo ng bigas.

‘Yes of course kung kaya nating, kaya nilang ibaba o kaya nilang magbenta ng presyo na mababaw of course this is best for the consumers kasi at least yung mga consumers may choices talaga ng mababang presyo,’ dagdag pa ni Secretary Cristina Roque ng DTI.

Samantala, kinumpirma naman ng kalihim ng Department of Agriculture na si Secretary Tiu Laurel Jr. ang koordinasyon at ibinahagi pang inaasahang sa darating na buwan ng Marso na ito makikitang magsisimula.

‘We’re targeting ah medyo maraming moving parts kasi ang laki ng … nila kasi almost 17,000 stores yata or 15,000 ang stores eh so yung logistics aspect po ang tinitingnan Mabuti nd credit aspect. So hopefully by earliest first week of March, latest mid-March,’ pahayag ni Secretary Tiu Laurel Jr. ng Department of Agriculture.