Panahon na para magkaroon ng pampublikong ospital para sa mga mahihirap na cancer patients.
Sinabi ni Leyte Representative-elect Ferdinand Martin Romualdez na nakasaad sa ilalim ng Republic Act 11225 o ang National Integrated Cancer Control Act ang pagtayo ng clincs o ospital na pinatatakbo ng isang pribadong sektor.
Iginiit ni Romualdez na dapat tiyakin na mataas ang kalidad ng serbisyo sa mga itatayong ospital ng gobyerno para lamang sa mga cancer patients.
Dapat gawin din aniyang abot-kaya ng publiko ang serbisyo sa mga ospital na ito.
Sinabi ng kongresista na gagawing pattern sa itatatag na Philippine National Cancer Center (PNCC) ay ang Philippine Heart Center, National Kidney Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, at Philippine Childrens’ Medical Center.