Inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang murder at attempted murder laban kay dating PCSO general manager Royina Garma at iba pa may kinalaman sa pagpatay kay dating PCSO board member Wesley Barayuga noong 2020.
Ayon sa NBI Organized and Transnational Crimes Division (OTCD) na siyang may hawak sa kaso, maliban kay Garma kabilang din sa mga respondent ang mga personalidad na iniuugnay sa pagpatay kay Barayuga.
Ito ay sina dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, police officials na sina Jeremy Causapin, Santie Mendoza at Nelson Mariano.
Una rito, muling binuksan ang kaso sa pagpatay kay Barayuga matapos mabunyag sa testimoniya ni Mendoza sa imbestigasyon ng House Quad Committee ang pananambang noong Hulyo 30, 2020 na nagresulta sa pagkasawi ni Barayuga sa Mandaluyong city.
Dito, pinangalanan ni Mendoza si Garma at Leonardo na utak umano ng pag-ambush kay Barayuga.