-- Advertisements --
LAOAG CITY – Naniniwala ang isang dating alkalde sa Ilocos Norte na politically motivated ang rason ng kasong inihahain laban sa kanya tuwing papatapos ang panahon ng halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo nanindigan si dating Dingras Mayor Marynette Gamboa na wala siyang kasalanan mula sa kasong murder na inihain laban sa kanya kamakailan.
Kaugnay ang kaso sa pagkamatay ni dating Ilocos Norte Electric Cooperative president Lorenzo Ruiz noong September 4, 2009.
Ayon kay Gamboa, nakahanda na ang kanyang kampo sa ihahain na mosyon na nagpapabasura sa kaso nang maalis na ang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 17.
Tiwala naman ang dating alkalde na papanigan ng korte ang kanyang apela.