-- Advertisements --
image 288

Bumulusok pa sa 40 percent ang mga kaso ng pagpatay sa bansa sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., mula 2018 hanggang 2022, nagkaroon ng tuloy-tuloy na pagbaba sa bawat taon.

Aniya mula sa 7,121 murder cases noong 2018, bumaba ito sa 6,310 noong 2019; 5,490 noong 2020, 4,853 noong 2021, hanggang sa 4,272 na lang nitong 2022.

Ayon kay Azurin, sa kabila ng magandang statistika, marami pa ring dapat gawin upang mapigilan ang mga insidente ng pagpatay para maging mas ligtas ang komunidad.

Tiniyak naman ni Gen. Azurin na nakatutok ang PNP sa pagresolba ng mga iniulat na kaso ng pagpatay, upang mapanagot ang mga may sala.