Todo pagmamalaki si Denver Nuggets coach Michael Malone sa dalawa niyang main players na sina Jamal Murray at Nikola Jokic.
Tinawag pa niya ang mga ito bilang mga “superstar” kaya nakarating sila ngayon sa Western Conference finals.
“We have two superstars in Nikola and Jamal,” ani Malone. “The reason I didn’t have any doubt is because we won six straight elimination games.”
Kuwento pa ng coach, noong nakaraang taon si Jokic lamang ang kanilang inaasahan pero ngayon kakaibang Murray na ang nakikita ng lahat sa loob ng NBA bubble sa Florida.
Para naman kay Murray sa tingin niya dapat ay 2-1 na pabor sa kanila ang serye dahil maganda naman ang ipinakita nilang laro sa Game 2 pero naging swerte lamang daw sa huling segundo si Anthony Davis ng Lakers.
Buhos din naman ang papuri ni Jokic sa kanyang partner na si Murray na isang tunay daw na “superstar.”
Naniniwala naman si Malone na ang dalawa niyang superstar duo ay ang pantapat nila sa tambalang James at Davis.
Kumpiyansa ang Nuggets na kaya nilang maitabla ang serye sa Game 4 sa Biyernes makaraang maitakas nila ang panalo sa Game 3, 114-106.