-- Advertisements --
Nais ni tennis star Andy Murray na magkaroon ng katiyakan na hindi na sila mahaharap sa mandatory quarantine kapag bumalik na sila sa Europe mula sa paglalaro sa US Open.
Kasunod ito ng pagpatupad ng organizers ng United States Association (USTA) ng striktong bio-security “bubble” para maging maliit lamang ang posibilidad ng pagkakahawa ng COVID-19.
Inilipat na kasi sa Cincinnati ang mga Western at Southern Open ngayon taon dahil sa COVID-19.
Magaganap naman sa New York ang tennsi sa August 20-28 bilang tune-up sa hardcourt Grand Slam.
Maraming mga tennis playes kasi ang umatras sa paglalaro matapos na pagpapatupad ng mandatory quarantine.
Dagdag naman ng 33-anyos na si Murray na handa siyang sumugal at bumiyahe para sa makapaglaro.