-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa Wimbledon si Andy Murray dahil sa injury.

Ayon sa 37-anyos na Scottish player na sumailalim siya sa operasyon para matanggal ang kaniyang spinal cyst.

Nagsagawa na ito ng ensayo kasama si Kyle Edmund kung saan hinihintay pa nito ang pagpayag ng kaniyang medical team bago magdesisyon na makapaglaro muli.

Dahil dito ay minabuti niya ng maglaro na ito ng doubles kasama ang kapatid na si Jamie.