-- Advertisements --

Nagwagi si Andy Murray sa Virtual Madrid Open title.

Ito ay matapos na talunin nito si David Goffin sa final ng online tournament.

Murray Andy
Andy Murray/ FB post

Naging madaling nakapasok ang British tennis star na si Murray sa pagpasok sa final round matapos na nagloko ang internet connection ng kaniyang nakalaban sa semi-final na si Diego Schwartzmann ng Argentina.

Nakuha naman ni Kiki Bertens ng Netherlands ang kampeonato sa womens’ division matapos talunin si Fiona Ferro ng France.

Kiki Bertens
Kiki Bertens/ IG Post

Kapwa nakakuha ng tig $164,000 na premyo at malaking bahagi ng pera ay mapupunta sa mga kasamahan nila na nasa mababang rankings na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Magugunitang isinagawa ang online tennis tournament matapos na makansela ang lahat ng mga sporting events bunsod ng coronavirus pandemics.