-- Advertisements --

Pasok na sa quarter-finals ng Stockholm Open si British tennis star Andy Murray.

Ito ay matapos na talunin niya si Jannik Sinner ng Sweden.

Nakuha ni Murray ang score na 7-6 (4) , 6-3 para tuluyang ilampaso ang world number 10.

Napanatili ni Murray ang kanilang laro hanggang makabawi ng bahagya si Sinner sa ikalawang set.

Susunod na makakaharap ni Murray si Tommy Paul ang American tennis player na ranked 52.