-- Advertisements --

Pasok na sa ikatlong round ng Australian Open si Andy Murray matapos talunin si Thanasi Kokkinakis.

Nakuha ng British tennis star ang score na 4-6, 6-7 (4-7) , 7-6 (7-5), 6-3, 7-5.

Maituturing na ito ang makasaysayang laro ni Murray dahil umabot sa limang oras at 45 minuto na siyang pinakamahabang laro nito sa kaniyang career.

Susunod na makakaharap nito si No. 24 seed Roberto Bautista Agut para sa ikatlong round.