-- Advertisements --
Pinahiya ng Japanese tennis player na si Taro Daniel si dating world number one Andy Murray sa ikalawang round ng Australian Open.
Tila inambush ng 120th ranked na si Daniel ang three-time Grand Slam winner ng makuha ang score na 6-4, 6-4, 6-4 para makapasok sa ikatlong round sa unang pagkakataon.
Tumagal ang laro ng dalawang oras at 48 minuto na ginanap sa John Cain Arena.
Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Jannik Sinner ng Italy o ang American na si Steve Johnson.