-- Advertisements --

Hiniling ni tennis star Andy Murray na dapat sumailalim sa coronavirus vaccination bago makapaglaro ang isang tennis player.

Sinabi nito na kapag maari ng mabili ang bakuna laban sa COVID-19 sa 2021 ay nararapat na mabakunahan na ang mga manlalaro.

Ang nasabing hakbang aniya ay isang nakakabuti sa tennis at maging sa anumang uri ng sports.

Magugunitang binatikos ng marami si world number 1 tennis player Novak Djokovic dahil sa pagkontra nito ng sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.