Hindi na umano muna itutuloy ni Andy Murray ang kanyang balak na maglaro sa singles tournament ng US Open.
Anunsyo ito ng three-time Grand Slam winner matapos matalo 6-3, 6-3 sa kamay ni Richard Gasquet sa Cincinnati Masters first round.
Ito ang kanyang unang singles match sa loob ng pitong buwan.
“I’m not going to play the US Open singles,” wika ni Murray. “It’s a decision I made with my team, I didn’t want to take a wildcard (in singles).”
Gayunman, pinaplano ni Murray na sumabak naman sa kapwa men’s at mixed doubles sa US Open, na huling Grand Slam ngayong taon.
Kinumpirma naman ng 32-year-old na marami pa raw itong kailangang gawin bago makabalik sa tuktok ng kanyang kondisyon, lalo pa’t patuloy itong nagpapagaling mula nang sumailalim ito sa hip surgery noong Enero.
“I just didn’t know today how I was going to feel after a match,” ani Murray. “I felt like I wanted to maybe try and get a couple of matches in before making a decision like that,” he said.