-- Advertisements --
Binuksan na ni Filipino Chess legend Eugene Torre ang kaniyang Chess Museum sa lungsod ng Marikina.
Makikita sa nasabing museo ang mga memorabilia gaya ng mga tropeo, medalya, larawan at iba pa.
Si Torre na siyang unang grandmaster sa Asya at World Chess Hall of Famer.
Ayon sa 71-anyos na chess legend na binuksan nito ng libre ang museum para magbigay ng inspirasyon sa mga batang chess players na nais sumunod sa yapak nito.
PInayuhan nito ang mga young chess players na dapat ay i-apply nila sa buhay ang mga natututunanan nila sa larong chess.