-- Advertisements --
LENI KIKO MUSEUM

Pinangunahan kagabi ni dating Vice President at tumatayong Angat Buhay Chairperson Leni Robredo ang pagbububukas ng Museo ng Pag-Asa sa Quezon City.

Nakapaloob sa museum ang mga memorabilia sa kanyang 2022 campaign kasama ang running-mate na si dating senator Kiko Pangilinan.

Makikita rin sa loob ng museum, ang Angat Buhay office, nandoon din ang mga artworks tulad ng mga paintings, mga damit, isang donasyong bisikleta at motorsiklo na ibinigay ng mga supporters sa kasagsagan ng kampanya.

May video wall din itong mga clips sa malalaking campaign trallies sa iba’t ibang mga probinsiya.

Binigyang diin ni Robredo na mistulang pagbabalik tanaw o nostalgic ang feeling pero masaya naman daw.

Binigyang diin pa ng dating pangalawang pangulo na hindi naman malungkot ang loob ng museum kundi masaya kahit natalo.