-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang music executive sa US na si Irv Gotti sa edad na 54.
Kinumpirma ito ng kaniyang record company na Def Jam subalit hindi na nagbigay pa ng ilang mga detalye.
Si Gotti ay tinagurian founder ng hip-hop label na nagtaguyod sa mga kilalang rapper gaya nina Ashanti, Ja Rule at Jay-Z.
Naharap din sila sa kaso kasama ang kaniyang kapatid na business partner noong 2005 kung saan gumagamit sila ng drug money para sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Nagpaabot naman ng mga iba’t-ibang rap artist ng pakikiramay sa pamumuno ni Kanye West at iba pa.