-- Advertisements --

Papayagan sa unang pagkakataon ang music festival sa Northern Island mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ang Stendhal Festival na ginaganap sa Limavady, sa Londonderry County muling magaganap subalit limitado lamang ang audience sa Hulyo 10.

Kung dati noong ito ay sinimulan sa taong 2011 ay mayroong 10,000 na audience ang pinapayagan ngayon ay mayroong hanggang 2,500 audience.

Isang uri ng outdoor concert ang nasabing festival kung saan mayroong overnight camping habang tumutugtog ang mga banda.

Magugunitang pinayagan ng Northern Ireland ang nasabing mga concerts at events dahil umano sa pagbaba na ng kaso ng COVID-19.