-- Advertisements --

Pabor ang grupo ng Muslim Community sa Metro Manila na palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Datu Basher “Bong” Alonto, chairman ng Metro Manila Community for Justice & Peace na kung sila ang tatanungin, nararapat lamang na palawigin ang Batas Militar dahil alam ng mga Mindanaon kung ano ang makabubuti sa kanila.

Binigyang diin pa ni Alonto, ngayong mayroong umiiral na Martial Law sa Mindanao ay may mga nakakalusot pa ring terorista at paano pa kaya kung aalisin ito.

Sinabi ni Alonto na kabilang sa kanilang isinusulong ay ang pagkakaroon ng National ID o Identification System upang mabilis matukoy kung sino ang galamay ng mga bandido at madali naman silang maihahatid sa kamay ng batas

Sa ganitong paraan ayon kay Alonto, hindi lang sa mga transaksyon mapapagaan ang buhay ng mga mamamayan, makatutulong din aniya ito ng malaki para pangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino.