-- Advertisements --
MUSLIM IN CAGAYAN DE OROI

Nanawagan ang ilang muslim community sa Cagayan de Oro na wakasan na ang giyera sa pagitan ng Israel at Militantent Hamas upang maiwasan na hindi madamay ang mga inosenteng sibilyan.

Nagsagawa ang mga ito ng “Solidarity Walk for Palestine, A Walk for Peace” na pinangunahan mismo ng Muslim Youth Council (MYC)-Cagayan de Oro.

Ang naturang programa ay nagsimula ala 6 ng umaga sa Rodelsa Circle at nagtapos sa Amphitheater sa Divisoria.

Bitbit ng mga lumahok ang ilang karatula na may nakasulat na “From the river to the sea, Palestine will be free,” “I stand with Palestine,” at “Palestinian lives matter,” at iba pa.

Ayon kay Muslim Youth Council -Cagayan de Oro chair Abul Khair Casidar , ang panalangin ang isa sa matibay na sandata para sa mga muslims student na nagnanais na matapos na ang alitan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nagpasalamat naman ang naturang grupo sa lokal na pamahalaan at Cagayan de Oro City Police Office dahil sa kanilang suporta na ipinamalas sa naturang aktibidad.