-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Magtitipon ngayong araw ang mga kapatid na Muslim kasabay ng selebrasyon ng Eid Al Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon kay Ustadz Abdulrauf Decampong, Administrator ng Grand Mosque sa Koronadal City, sa kabila ng presensiya ng Covid-19 pandemic bumabalik na sa normal ang mga selebrasyon at pagtitipon sa mga mosque hindi gaya noong kasagsagan pa mg pandemic na maraming ipinagbabawal.

Ayon kay Decampong, maaga pa rin silang nagsamba sa mosque ang karamihan sa mga kapatid na Muslim at ang iba naman sa mga open field.

Kasabay ng selebrasyon ngayong araw ay magsasagawa naman sila ng kanduli o pasasalamat sa araw na ito upang bigyang pugay si Allah at ipasalamat ang panananatiling buo ang kani-kanilang pamilya.

Magbibigay din sila ng tulong at mga pagkain para sa mga mahirap o nangangailangan.

Kasabay din ng Eidl Adha ang panalangin nila na nawa’y maging payapa at matagumpay ang selebrasyon hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa.