-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patay ang isang batang Muslim matapos nalunod sa swimming pool sa Amnesia Resort sa Brgy. Botong Oton, Iloilo.

Ang biktima ay si Shamira Sharif Indardaya, 4, residente ng Brgy. San Pedro Molo, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Leo Apuhin, imbestigador ng Oton Municipal Police Station, sinabi nito na nagdiwang ang pamilya ng biktima ng Eid’l fitr sa nasabing resort.

Ayon kay Apuhin, hinanap si Shamina ng kanyang pinsan matapos nawala ito.

Nang nilibot nila ang resort, doon at nakita nila ang biktima na palutang-luthang sa swimming pool na may lalim na limang talampakan.

Pinayuhan naman ng pulis ang mga magulang na bantayan ng maigi ang mga bata lalo na kapag maliligo sa mga resort upang maiwasan ang kagayang insidente.