-- Advertisements --

Nanawagan ang Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization sa publiko na agad na ipagbigay alam sa kanila kung nakita nila ang isang kandidata nila.

Nitong Lunes kasi ay ibinunyag ng organisasyon na nawawala si Geneva Lopez ng Sto. Tomas, Pampanga kasama nitong nawawala ang nobyong Israeli na si Yitshak Cohen.

Noong Hunyo 21 pa nadiskubre na nawawala Lopez kung saan wala umanong aktibidad ang organisasyon.

Nakipag-ugnayan na ang organisasyon sa mga kapulisan para sa agarang mahanap ang beauty contestant.