Tuluyan nang kinansela ng Mutya ng Pilipinas ang kanilang mga calendar of activities ngayong taon dahil sa nararanasang coronavirus pandemic.
Ayon sa organizer, nagdesisyon sila na kanselahin ang lahat ng aktibidad ngayong taon para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Tiniyak naman nila na tuloy pa rin ang kanilang pagtugon sa obligasyon na pagpadala ng mga beauty queens na magrerepresenta ng bansa sakaling magkaroon ng international titles sa pamamagitan ng virtual pageants.
Nagdesiyunan na rin sila na imbes na magsagawa ng pageant ay ituon na lamang nila ang atensyon sa pagsuporta sa mga frontliners at komunidad lalo na sa mga street children.
Hinikayat din ng grupo ang marami na suportahan sila sa kanilang kampanya sa pagtulong sa mga iba’t ibang charities.