-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Labis na pighati ang nararamdaman ng pamilya ng batang nalunod matapos ang nangyaring sunog sa MV Lite Ferry 16 nitong nakalipas ng Miyerkules ng madaling araw.

ship on fire Dapitan 3

Sa kuwento ni Allan Labisig sa Star FM Dipolog, ama ng batang si Chloe, nabitawan nito ang anak matapos maramdaman na para siyang nasasakal sa suot na life jacket habang nakayakap ang isa pang anak.

Inanod umano ng malakas na bugso ng tubig ang bata hanggang sa tuluyang napalayo sa kanya.

Pauwi na sana ang mag-anak matapos dumalo sa birthday celebration ng biyenan ni Labisig nang mangyari ang insidente sa karagatan.

Sa kuwento pa ni Labisig, hindi na niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman matapos makita ang kanyang anak na si Chloe na nakabalot sa kumot at wala ng buhay.

Dagdag pa nito, tanging Panalangin na lamang daw sa Maykapal ang naging sandigan niya sa panahong sila ay nagpalutang–lutang sa dagat habang nag-aantay ng tulong.