BUTUAN CITY – Sa pangalawang beses, muling sumadsad ang M/V Reina Xaviera ng Montenegro Shipping Lines Inc. matapos lisanin ang daungan sa bayan ng Dapa, Siargao Island, lalawigan ng Surigao del Norte pasado alas-5:00 kahapon ng hapon nang patungo na sana ng Surigao City dahil sa low tide.
Matagumpan namang nailigtas ang mga pasahero sa isinagawang rescue operation ng mga tauhan ng PNP Maritime, Philippine Coast Guard (PCG) Rescue Team mula sa LGU Dapa at iba pang mga rescue teams.
Matatandaang noong Mayo a-27, tumulong din ang Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Dapa sa pag-rescue ng 38 mga pasahero ng M/V Riena Xaviera matapos itong sumadsad sa karagatan ng Dapa dahi sa engine malfunction habang papalapit na ng Dapa Port dahil sa malakas na ihip ng hangin na dala ng mga panahong iyon ng bagyong Betty.