-- Advertisements --
Ipinag-utos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Land Transportation Office (LTO) na huwag ng gawing mandatory ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagpaparehistro ng sasakyan.
Ito ang inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang press briefing ngayong tanghali.
Sinabi ni Sec. Roque, desisyon ito ni Pangulong Duterte dahil pa rin sa nararanasang COVID-129 pandemic at makakadagdag ito sa pahirap ng mga may-ari ng sasakyan.