CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasa likod ng Pangilinan Group of Companies na si Manny V. Pangilinan (MVP) na palakasin pa ang kanilang water investment sa Cagayan de Oro City.
Bahagi umano ito sa laman ng kanilang napag-usapan ni MVP nang tinalakay ang temporary water connection na ipinatupad ng kanyang kompanya na Metro Pacific Water – Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated sa western portion service area ng Cagayan de Oro Water District (COWD) ng syudad.
Sinabi ni Marcos na bagamat kampante ito na kaya resolbahin ni Pangilinan ang kaunting problema ng kanilang investment na ayaw kilalanin ng COWD ang paniningil ng COBI sa disputed payables ng dalawang panig.
Paliwanag ng pangulo na mas makabubuti sa water system ng syudad kung magtatayo ni MVP ng treatment facility upang hindi na maulit na nagkabangyan ng usaping utang ang kanyang kompanya at COWD.
Magugunitang pansamantalang inatasan ni Marcos ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na i-takeover muna ang operasyon ng COWD dahil sa maraming suliranin na dapat bigyang-solusyon lalo na ang income generation at pag-minimize ng sorbrang laki na non-revenue waters.