Magbibigay ng financial reward ang MVP Sports Foundation (MVPSF) sa sinumang atleta na sasabak sa Tokyo Olympics na makakapag-uwi ng medalya.
Sinabi MVPSF chairman Manny V. Pangilinan (MVP) na makakatanggap ng P10 milyon ang sinumang atleta na makakuha ng gold medal sa Olympics.
Itinaguyod ang MVPSF noong 2011 na ang layon nila ay makakuha ang bansa ng unang Olympic gold medal.
Sinabi naman ni foundation president Al Panlilo na mabibigyan ng premyong ito ng karagdagang motibasyon ang mga atleta para lalo nilang galingan ang paglalaro.
Ang nasabing cash prize ay bukod pa sa nakasaad sa Republic Act 10699 na bawat gintong medalya na makukuha ng atleta ay mayroong P10 milyon na katapat, habang P5 milyon naman sa silver medal at P2 milyon naman sa bronze medal.
Kung maalala mula ng maging bahagi ng Olimpiyada ang Pilipinas ay hindi pa ito nakakatikim ng gold medal.